Transport Strike
Noong Lunes, September 19, 2011, naglunsad ng malawakang protesta ang mga kaibigan nating mamang tsuper ng jeep na ang sabi nila ay pumaralisa ng 70% sa Metro Manila. 90% naman sa ibang lugar. Sa isang malaking siyudad tulad ng Metro Manila, malaki ang epekto nito sa negosyo lalo na’t dito nakasentro ang komersyo ng bansa. Sigurado akong marami ang nahuli sa pagpasok sa kanilang mga trabaho. Napakalaking abala nitong ginawa nilang ito.
Pero ang tanong ko lang. May naidulot ba na maganda ang ganitong protesta? Nanalo na ba sila laban sa tatlong malalaking oil companies dito sa Pilipinas? Parang wala yata akong matandaang nagprotesta sila tapos ay pinakinggan sila ng mga ito. Wala din akong matandaan na napababa nila ang presyo ng langis sa pamamagitan ng pagrarali. Meron ba? Parang wala pa yata?
Ang totoo pa nga nito, marami talaga ang hindi natuwa sa ginawa ng mga raliyista. Namimilit sila ng ibang driver na makisali sa kanila. Binubutas nila ang mga gulong ng mga ayaw makilahok sa kanila. Tapos nagplanking pa sila sa gitna ng kalsada. Yung iba naman sinadyang humiga para maharangan ang mga sasakyan. Katakot takot na trapik tuloy ang nangyari.
Ang tingin tuloy ng iba dito sa mga mamang tsuper ng jeep, parang sarili lang nila ang kanilang iniisip. Paano naman ang ibang masisipag na nagtatrabaho at hindi pwedeng mahuli sa pagpasok? O kaya mga bata na kailangang pumasok sa eskuwelahan? O kaya isang pasyente sa isang ambulansya na kailangang ihatid sa ospital?
Konting respeto lang sana. Kung karapatan nila ang ipahiwatig ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagrarally, may karapatan din naman ang ibang taong tumutulong din sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng bansa na hindi maabala sa kanilang mga gawain.
Ang solusyon
Pero alam nyo may solusyon naman sa ganitong problema. Bakit kaya hindi nyo subukang magbisikleta? Mura lang naman ang bisikleta at hindi kailangang mamahalin.
Marami lang kasi sa atin, maaarte. Sa ibang bansa, kahit anong klase ng damit ang suot nila, pumapadyak sila. Kahit nakapang-opisina na sila. Yung mga babae nga, kahit nakapalda pa eh. Ayaw pagpawisan. Ewan ko ba? Hindi ko maintindihan eh pwede namang magpunas. Magkano lang naman ang good morning towel. Ayaw maarawan o mainitan. Hello! Mas mainit kaya sa impyerno. Kaya magpraktis na kayo. At higit sa lahat, may pagkatamad. Ang gusto laging nakaupo sa aircon bus o kaya sa MRT. O kaya naman sa taxi.
Subukan nyong magbisikleta. Masarap kaya. Sa sitwasyon ng kalsada natin tuwing rush hour, mas mabilis ang magbisikleta kapag papasok sa trabaho. Kahit pupunta ka ng mall. Kahit araw-araw pa silang mag strike, hindi ka maaapektohan. Tumaas man ang gasolina, ayos lang. May bisikleta ka, makakapunta ka pa rin sa pupuntahan mo.
Kung ayaw mong maabala, magbisikleta ka
Walang may gusto sa atin na maabala o makaabala sa pagpasok sa trabaho o kaya sa kung anuman ang iyong lakad. Pero may magagawa ka naman huwag ka lang maarte at huwag ka lang tamad. Oras na para imulat natin ang ating mga mata para sa iba pang alternatibong transportasyon. Subukan nyong magbisikleta, hindi nyo pagsisisihan.


Oo nga. Tsaka sana next time eh yung hindi sila nakakaperwisyo di ba. Magprotesta sila sa tamang lugar at tamang way ng pagpo-protesta.
hahahaha…natawa ako dun sa “mas mainit sa impyerno”.. naalala ko nanaman nung nagaaral pa lang tayo.. On the serious part naman, ganyan talaga eh. Ang mga dapat sisihin jan ay ung mga militanteng grupo sa Pilipinas. Yung mga grupo na para sa kanila eh sila lang ang tama. Kahit sinong presidente man ang ilulok natin sa pwesto, konting mali lang eh kung makapag-rally na sila eh wagas! Sa totoo lang, yang mga militanteng grupo na yan ang nagpapagulo sa bansa eh. Nadadamay lang yung mga legitimate na mahihirap. tsk tsk. Masyado na nilang inaabuso ung DEMOKRASYA.. Pano kaya kung si MACOY pa rin ang presidente natin, makakapag planking pa rin kaya sila?? haha…
Tama pre, para sa akin, hindi talaga tama yung ginawa nilang pagpaplanking sa daan para maharangan ang mga sasakyan. Hindi din tama na mang-harass sila ng kapwa nila driver para lang sumama sa kanilang rally. At lalong hindi tama na butasin nila ang mga gulong ng sasakyan ng mga hindi sumasama sa kanila.
Kahit karapatan nilang mag-express ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng rally, may karapatan din naman ang mas nakararaming PIlipino.
Ilang taon na ba nila pinaglalaban ang pagbaba ng presyo ng langis dito sa bansa natin?? May nangyari ba na maganda dulot ng pagra-rally nila?? Wala rin naman di ba. Kung tutuusin naman kasi, hindi lang Pilipinas ang dumaranas ng ganung problema pagdaing sa langis dba..
Tama ka dyan. Dapat siguro mag-isip sila ng bagong strategy.